Category: Movie
Movers
![]() |
[Movie Poster; from the web. I do not own the copyright.] |
"With Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, Yapan has
choreographed a delicious orgy where various art forms mingle with astounding
ease." ~Oggs
Cruz.
Ang aandap-andap na lumiliwanag sa madilim at malamig na silid ay
ang malabong projection ng indie film na kasali dati sa Cinemalaya ngunit
ngayon lang inilabas sa mainstream na sinehan. Tinanong ko kung malabo ba
talaga ang movie o malabo lang talaga ang mga mata ko. Ang sabi ng kasama ko ay
malabo talaga ang movie. Widescreen kasi ang tabing, at 16:9 ata ang ratio
nito; pero ang ni-project na movie ay mukhang 4:3 lang! Kaya tuloy ang mga
artista ay parang ang papandak at ang tataba!
Naku, at nagmadali pa kami sa pagpunta rito!
Kani-kanina lang ay pina-uwi kami ng maaga. Madalang na kasi ang pasok ng mga calls, kaya ayon, early log out! Nagalak naman ako kasi maaabutan namin ang next screening. Unang araw na ipapalabas ito ngayon.
Isa sa mga ayaw ko ay ang sumakay sa mga bus na de-aircon. Nahihilo ako sa baho ng pinaghalong air freshener at CFL. Dahil diyan ay naglakad na lang kami papunta sa MRT. Binilisan man namin ang lakad hanggang sa ang mga hakbang ay parang singbilis ng patak ng ulan; na-late pa rin kami.
And sinehan ay walang katao-tao. Humaba na ang leeg ko sa kakalingon, wala akong nakita. Mga ilang minuto pa lang kaming naupo ay biglang nag-stop ang movie. Tapos bumuwelo ng konti at bigla uling nag-freeze. Masahol pa ata sa mga pirated DVD. Malabo na nga ‘di pa nag pi-play ng husto.
Mahabang minuto na ang lumipas di pa rin naayos. Buti na lang kami lang ang naroon. Maya-maya ay naririnig namin ang mga pagpa-panic ng mga personel. Nakita ko rin na meron din naman palang ibang taong nanonood. Lumingon talaga ako at binilang--wala pang sampu!

Ang sabi ng mga reviews sa blog,
ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa daw ay isang napakasarap na orgy ng iba’t
ibang putahe ng sining: sayaw, tula, kanta, at pag-arte.
Ni-forward na nila ang movie at
kahit papaano’y umusad na ito. Lumabas kaming may paghihinayang sa perang aming
ipinambayad. Habang kami’y naglalakad palabas, nakita namin ang poster nito na
ibinibidang nanalo ito ng BEST ORIGINAL MUSIC SCORE at BEST CINEMATOGRAPHY sa
natapos na Cinemalaya Film Fest 2011