Monday, October 24, 2011

Ang Travel Friend Mo

Category: Powers of Poetry
Photo by JPG



Teka-teka...
Ilang bundok ang aking naakyat
Maraming pagkain ang saki'y nagpabusog
Libu-libong litrato ang nakolekta
Mga kweba, ating sinuong
Lumangoy pa tayo sa malamig na bukal,
at nagtampisaw sa batis ng talon
Sabay nating pinakinggan ang tunog ng mga kuliglig
Habang naglalakad kasama ang mga bituin
Mabangin, mabato, maputik man ang tinatahak
Sino ba ang kasa-kasama?
Tumulay pa tayo sa maliit na kable
at lumakbay sa kung saan-saan
Natulog tayo sa lilim ng hamog
Sa pulbos ng puting buhangin,
tayo'y nagtampisaw,
habang banayad na dinuduyan ng alon ang mga isda
Sabay nakita ang mga diwata ng dagat
nang ating itong sisirin
Dumaan na tayo sa mga iskinita
at lumipad ng higit pa sa mga ibon
At ating dinungaw sa bintana ang alapaap
at lumapag sa malalayong isla.

Sa paglalakbay, at pakipagsapalran
Ika'y kasama

Pero higit pa sa mga magagandang lugar
ay ang mga masasayang awitin at tawanan
Kung may mas masarap pa
sa sisig sa tuktok ng Batulao;
mapapasayaw ka rin ba sa ibabaw ng papag?
Mas may nakakatuwa pa ba sa magdamagang kwentuhan
at kantahan, at kulitan?

May mas hihigit pa ba sa mga halakhak,
May lalabis pa ba sa galak
at sa tuwa, sa pagkakaibigang tunay?

Ang mga ito ba'y nangyari kaya
Kung di tayo nagkasama?


-----
Para sa maraming summit pang aakyatin
At maraming beaches na lalaguyin
At sa maraming tea party-party
Sa maraming pictures
Sa maraming beers,
Sa marami pang 'crunchy'
Sa lahat ng walking distance
At sa walang kasing sarap na wines
--maligayang bati sa nadagdag pang taon ng pagkakaibigan.


For "songs that come free from the blue-eyed grass, from the dust of a thousand country roads"
"For ancient evenings and distant music", 
"For high plumage and southern winds",
"For the perigrines, the strangers, last cowboys."


Teka-teka! CHEERS! 

2 comments:

Genial Air said...

...these goblets are really familiar...and the stairs...hmmm

Unknown said...

Hahaha! Familiar, indeed...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...